Libu-libong pasahero na naapektuhan ng mga kanseladong biyahe ng CebuPac bibigyan ng free roundtrip tickets

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2019 - 08:54 AM

Bibigyan ng Cebu Pacific ng free roundtrip tickets ang lahat ng pasaherong naabala at maaabala pa ng kanselasyon ng kanilang mga biyahe mula April 28 hanggang May 10, 2019

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon, ang nasabing libreng round trip ticket ay pwedeng gamitin ng mga apektadong pasahero saanmang domestic destinations.

Sa pagtaya ng Cebu Pacific, sa mga kanselasyon ng biyahe na nangyari mula April 28 hanggang April 30 ay nasa 10,000 na pasahero na ang apektado ng cancelled flights.

Madadagdagan pa ang nasabing bilang dahil magpapatuloy ang mga kanselasyon hanggang May 10.

Pwedeng ipa-book sa loob ng anim na buwan ang naturang free roundtrip tickets at pwedeng i-redeem online.

Ayon kay Lagamon, alam nilang hindi sapat ang paghingi nila ng paumanhin at patuloy na pagpapaliwanag dahil marami ang pasaherong naapektuhan ng mga nakanselang biyahe.

Ang pagbibigay aniya ng libreng roundtrip na biyahe ang isa sa nakita nilang pamamaraan upang ipakita na sinsero ang Cebu Pacific at hindi nila layong maabala ang marami.

Ang libreng roundtrip tickets ay bukod sa ticket na pwedeng i-refund o ipa-rebook ng mga naapektuhang pasahero matapos makansela ang kanilang flight.

TAGS: cancelled flights, cebu pacific, domestic flights, flight advisory, free roundtrip tickets, cancelled flights, cebu pacific, domestic flights, flight advisory, free roundtrip tickets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.