Pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd Cruz usap-usapan matapos siyang itampok sa commercial ng shawarma

Mahigit isang taon matapos ang magpahinga sa showbiz, tampok sa commercial ng isang popular na shawarma brand si John Lloyd Cruz.

Makikita sa commercial na ibinahagi ng kumpanya sa You Tube si John Lloyd bilang isang simple at ordinaryong indibidwal pa rin.

Hindi nabago ang simpleng itsura ni John Lloyd na balbas-sarado, at ipinakikitang siya ay naglalakad sa lansangan at nagco-commute.

Hawak ni John Lloyd ang camera at cellphone at kumukuha ng videos at larawan.

Sa huli ipinakitang kumakain ng produkto ng shawarma brand si John Lloyd at nakalagay ang caption na “ANG NAGBABALIK…. ANG NA-MISS NATING LAHAT”.

Read more...