Direktor ng “2 Fast 2 Furious” pumanaw sa edad na 51
Pumanaw na sa edad na 51 si U.S. film director John Singleton.
Ayon sa pamilya ni Singleton, inatake sa puso ang direktor noong April 17 at mula noon ay ginamitan n aito ng life support sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.
Si Singleton ay nakilala sa kaniyang pelikulang “Boyz n the Hood” na tungkol sa mga kabataan at gang sa Los Angeles.
Edad 24 pa lamang siya noon ay dahil sa nasabing pelikula ay naging pinakabatang direktor si Singleton na na-nominate sa Academy Award bilang best director.
Ang iba pang pelikula sa direksyon ni Singleton ay ang “2 Fast 2 Furious”, “Rosewood” at ang mga episode ng TV shows na “Empire” at “Billions”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.