Yellow alert itinaas sa Luzon grid ngayong araw, Apr. 30

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2019 - 07:54 AM

Bahagyang gumanda ang lagay ng kuryente sa Luzon grid ngayong araw ng Martes, April 30.

Sa kabila nito, may pag-iral pa rin ng yellow alert sa Luzon grid mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang available capacity sa Luzon ngayong araw ay 11,405 megawatts habang ang peak demand ay 10,482 megawatts.

Hindi naman inaasahan na magkakaroon ng rotational brownout bunsod ng pag-iral ng yellow alert.

Ito ay maliban na lamang kung mayroon pang karagdagang mga planta ng kuryente na papalya.

TAGS: DOE, Energy, luzon grid, power reserve, power supply, yellowalert, DOE, Energy, luzon grid, power reserve, power supply, yellowalert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.