Fil-Am na dating miyembro ng US Army inaresto sa Amerika dahil sa pagkakasangkot sa US terror plot

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2019 - 07:47 AM

Inaresto ng mga otoridad sa Amerika ang isang Fil-Am dahil sa pagkakasangkot umano sa terror plot.

Dinakip ang 26 anyos na si Mark Steven Domingo na isang dating miyembro ng US Army.

Ayon sa mga tauhan ng FBI, si Domingo ay isang Filipino pero lumaki sa Amerika.

Nahulihan ng live bomb si Domingo na pinaniniwalaang gagamitin sa pag-atake.

Sinabi ni US Attorney Nick Hanna, isang trained combat soldier si Domingo at nagbibigay ito ng suporta sa mga terorista.

Kasama umano si Domingo sa nagplano para magpasabog sa isang rally sa Los Angeles noong April 28.

May natuklasang ding pakikipag-usap ni Domingo sa internet kung saan nagpahayag ito ng pagsuporta sa Jihad.

15 taon na pagkakabilanggo ang maaring kaharapin ng Fil-Am.

TAGS: Fil Am, Fil-Am arrested in US, Radyo Inquirer, terror plot, Fil Am, Fil-Am arrested in US, Radyo Inquirer, terror plot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.