Apat na suspek sa ilegal na droga, arestado sa anti-criminality campaign sa Maynila

By Ricky Brozas April 30, 2019 - 07:42 AM

MPD Photo
Huli sa anti-criminality operations ng Manila Police District Station 9 ang apat na suspek sa pagdadala ng bawal na droga kagabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ang mga dinakip na sina Nelson Turla, 44-anyos; Edgar Edem, 49-anyos; Marlyn Quilala, 49-anyos na pawang nasa drug watchlist sa lugar at si Jose Marie Cruz, 30-anyos ng Vitalis Compound Paranaque City.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na maliliit na plastic na may laman ng hinihinalang shabu.

Isasalang sila sa inquest proceedings sa piskalya ng Maynila ngayong araw.

TAGS: anti-illegal drugs, MPD, War on drugs, anti-illegal drugs, MPD, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.