Sen. Ejercito nabigla sa kasong isinampa sa kanya ng Ombudsman
Nagulat si Senador JV Ejercito sa kasong isinampa ng Ombudsman kaugnay sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ito ay may kaugnayan sa P2.1Million na pagbili ni Ejercito noong siya pa ang Mayor ng San Juan City para dalawampung pirasong armas noong 2008.
Aminado si Ejercito na ginamit nila ang calamity fund ng lungsod para ipambili ng armas subalit pinalitan nila ito matapos magbigay ng supplemental budget ang City Council.
Sinabi pa ni Ejercito na ibinalik nila ang calamity fund matapos silang pagsabihan ng ng Commission on Audit.
Paniwala ni Ejercito, makalulusot siya sa kaso dahil dumaan sa maayos na bidding process at walang anomalya sa pagbili ng armas.
Naging masyadong maingat din siya noong panahon na iyon sa paggamit ng pondo dahil kabilang siya sa oposisyon at mariing tumutuligsa sa pamamahala ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Kinailangan aniya ng San Juan City noon na bumili ng armas dahil laganap noon ang hold-up at robbery kung saan pinapasok ang mga restaurant at iba pang establisyemento.
Ipinagtataka ni Ejercito kung paano umusad ang kaso gayung anonymous naman ang nagreklamo.
Balak ni Ejercito na umakyat sa Court of Appeals para maibasura ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.