Tricycle driver patay sa pananaksak sa Maynila

By Rhommel Balasbas April 30, 2019 - 04:44 AM

Nasawi ang isang 38-anyos na tricycle driver sa pananaksak ng isang ex-convict sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawing biktima na si Leoncio Natividad at sugatan din ang kanyang kasamahang tricyle driver na si Fernando Naz.

Ayon sa Sta. Cruz Police, nasa Central Market ang dalawa nang pagsasaksakin ng suspek na nakilalang si Rommell Timoteo, na umano’y miyembro ng Sputnik Gang.

Nagsisigaw umano ang suspek sa harap ng ina ni Naz at naghahamon ng away.

Lumapit si Natividad sa suspek para awatin at yakapin at dito na siya napagbalingan ng suspek at sinaksak.

Tinangka pang tumakas ng suspek ngunit agad na nahuli ng mga baranggay tanod.

Narekober mula rito ang kanyang ginamit na patalim.

Sa ngayon ay nakapiit si Timoteo sa Sta. Cruz Police Station.

TAGS: aawat, Central Marker, ex-convict, manila, naghamon ng away, patay sa pananaksak, Sampaloc, Sta. Cruz Police Station, tricycle driver, aawat, Central Marker, ex-convict, manila, naghamon ng away, patay sa pananaksak, Sampaloc, Sta. Cruz Police Station, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.