Inimbitahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga kongresista sa isang pananghalian para kumbinsihin na ipasa na ang Bangsamoro Basic Law.
Sa pananghalian na idinaos sa Malacañang, hinamon nito ang mga mambabatas na samantalahin ang pagkakataon na isabatas ang BBL at ilatag ang pundasyon para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo sa mga mambabatas na higit kailanman mas mahalaga ngayon na maisabatas ang BBL dahil sa bantang dala ng terorismo at radikalismo hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.
Naniniwala din ito na mas magbibigay ang BBL ng mas makabuluhang pagbabago para sa mga taga-Mindanao dahil mabibigyan ito ng pagkakataon na sumali sa demokratikong proseso.
Ang mga bumisitang miyembro ng Kamara na present sa Palasyo ay sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr at House Majority Leader Neptali Gonzales II habang ang pangulo naman ay sinamahan ng mga cabinet members sa pangunguna ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.