Mga kongresista muling kinumbinsi ni PNoy na isabatas na ang BBL

By Alvin Barcelona December 08, 2015 - 07:12 PM

Aquino-Belmonte
Inquirer file photo

Inimbitahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga kongresista sa isang pananghalian para kumbinsihin na ipasa na ang Bangsamoro Basic Law.

Sa pananghalian na idinaos sa Malacañang, hinamon nito ang mga mambabatas na samantalahin ang pagkakataon na isabatas ang BBL at ilatag ang pundasyon para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ng Pangulo sa mga mambabatas na higit  kailanman mas mahalaga ngayon na maisabatas ang BBL dahil sa bantang dala ng terorismo at radikalismo hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Naniniwala din ito na mas magbibigay ang BBL ng mas makabuluhang pagbabago para sa mga taga-Mindanao dahil mabibigyan ito ng pagkakataon na sumali sa demokratikong proseso.

Ang mga bumisitang miyembro ng Kamara na present sa Palasyo ay sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr at House Majority Leader Neptali Gonzales II habang ang pangulo naman ay sinamahan ng mga cabinet members sa pangunguna ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

TAGS: Aquino, BBL, belmonte, Congress, Aquino, BBL, belmonte, Congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.