Nasawi dahil sa bagyo sa Mozambique, umabot na sa 38
Pumalo na sa 38 ang bilang ng namatay dahil sa bagyong nanalasa sa Mozambique.
Noong nakaraang linggo ay tumama ang Cyclone Kenneth sa naturang southern African nation taglay ang lakas ng hanging aabot sa 220 kilometro kada oras.
Sinira ng bagyo ang mga kanayunan at 35,000 kabahayan.
Ayon sa National Institute of Disaster Management (INGC) ng Mozambique, ang pagtaas ng bilang ng nasawi ay sa gitna ng hirap na nararanasan para maihatid ang mga tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Ayon kay Spokesman Saviano Abreu, kritikal ang sitwasyon sa mga bayan ng Macomia at Quissanga.
Nasa 200,000 katao naman ang nanganganib ngayon sa regional capital ng Cabo Delgado state na Pemba.
Bagaman humina na ang Cyclone Kenneth, inaasahang magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Mozambique.
Sa Pemba lamang ay nagbuhos ang bagyo ng 6.5ft ng tubig.
Nanawagan na noong Linggo si UN Secretary-General spokesman Antonio Gutteres ng tulong mula sa international community para sa Mozambique.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.