BOC binigyan ng hanggang May 15 para ibalik ang mga basura sa Canada

By Rhommel Balasbas April 30, 2019 - 03:50 AM

Binigyan ng hanggang May 15 ang Bureau of Customs (BOC) para ibalik ang tone-toneladang basurang ipinasok sa bansa ng Canada.

Ayon kay BOC spokesman Erastus Sandino Austria, nakatanggap sila ng utos kahapon (April 29), mula kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na dapat maibalik ang Canadian trash hanggang May 15.

Sinabi ng opisyal na sa ngayon ay nasa proseso sila ng pag-ayos sa arrangement ng pagbabalik sa mga basura.

Ginagawa na anya nila ang lahat para maging posible ito.

Magugunitang 103 containers ng basura na kinabibilangan ng household trash, diapers at non-recyclable waste ang dumating sa Manila International Container Port (MICP) mula 2013 hanggang 2014.

Ang utos ni Dominguez ay matapos ang bantang giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Canada sakaling hindi nito kunin pabalik ang kanilang mga basura.

Samantala, sa press briefing sa Malacañang kahapon, muling iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ‘figure of speech’ lamang ang bantang giyera ng pangulo.

TAGS: 103 containers, Basura, Bureau of Customs, canada, ibalik, May 15, MICP, 103 containers, Basura, Bureau of Customs, canada, ibalik, May 15, MICP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.