Judy Ann at Ryan, nagpalitan ng anniversary messages

By Len Montaño April 30, 2019 - 03:19 AM

Umaapaw pa rin ang pagmamahal sa celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sampung taon matapos silang ikasal.

Sa kanilang 10th year wedding anniversary noong April 28, nagpalitan ng mga mensahe sina Juday at Ryan sa isa’t isa.

Idinaan ng mag-asawa sa social media ang anniversary messages nila sa bawat isa.

Sa kanyang post ay sinabi ng aktres na ang kanyang mister ang kanyang heart, soul, life at love.

Sa kanya namang post ay sinabi ni Ryan na hindi siya Superman o hero pero kung nasaan anya si Judy Ann ay nandoon din sya.

Nag-quote pa si Ryan ng lyrics sa kantang “Where Are You Going” ng Dave Matthews Band.

Kanya kanya naman ng bati ang mga kaibigan sa showbiz ng mag-asawa para sa kanilang anniversary.

TAGS: 10th year, anniversary messages, Dave Mathews Band, Judy Ann Santos, mensahe, post, Ryan Agoncillo, wedding anniversary, Where Are You Going, 10th year, anniversary messages, Dave Mathews Band, Judy Ann Santos, mensahe, post, Ryan Agoncillo, wedding anniversary, Where Are You Going

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.