Matapos madagdagan pa ang bilang ng mga kanseladong biyahe, pananagutan ng CebuPac aalamin ng CAB

By Len Montaño April 30, 2019 - 02:11 AM

Iimbestigahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang kanselasyon ng Cebu Pacific ng ng mas marami pang bilang ng mga biyahe na nag-umpisa noong April 28.

Ito ay makaraang madagdagan pa ang bilang ng mga kanseladong biyahe ng CebuPac at umabot pa ng hanggang May 10 ang kanselaso.

Dahilan ng Cebu Pacific, kailangan nilang magkansela ng mga biyahe para maging normal ang kanilang flight timing at maiwasan ang delayed flights.

Nagkakansela rin naman ng biyahe ang ibang airline pero nais suriin ng CAB ang kaso ng Cebu Pacific dahil marami ang apektadong mga pasahero.

Sa pahayag sinabi ni Atty. Carmelo Arcilla, Executive Director ng CAB, aalamin nila kung ang kanselasyon ay bunsod ng problema mismo ng airline company, o kung wala ito sa kanilang kontrol.

“We are now in the process of evaluating the incident and determine the circumstances that led to this. We draw the line between as to whether the cancellation is attributable to the airline, o kaya naman beyond the control of the airline,” ani Arcilla.

Humingi naman ng pasensya ang airline sa perwisyo sa mga pasahero ng cancelled flights.

Samantala, araw ng Lunes ay nag-anunsyo ng dagdag cancelled flights ang Cebu Pacific.

Kanselado ang 58 round trip flights mula May 1 hanggang 10.(END)

TAGS: CAB, cancelled flights, cebu pacific, delayed flights, flight timing, iimbestigahan, CAB, cancelled flights, cebu pacific, delayed flights, flight timing, iimbestigahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.