Baron Geisler, pakakasalan na ang psychologist girlfriend

By Len Montaño April 30, 2019 - 01:44 AM

Baron Geisler IG

Pakakasalan na ng aktor na si Baron Geisler ang partner nito sa nakalipas na 8 buwan, ang psychologist na si Jaimie Marie Evangelista.

Tatlong buwan ng engaged sina Baron at ang fiancé nito at isinasapinal na ng dalawa ang mga detalye sa kanilang kasal.

Ayon kay Baron, nagtatrabaho si Jaimie sa mga rehabilitation centers at nagtuturo ito sa kolehiyo.

Kinukuha anya si Jaimie sa mga rehab center para tumulong sa mga drug addict at alcoholic.

Ayon sa aktor, mapagpasensya sa kanya ang kasintahan at alam nito kung paano siya “timplahin.”

Pagod na umano si Baron sa mga party at laro at nais na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Hindi lingid sa publiko ang mga kontrobersya at gulo na kinasangkutan ni Baron dahil sa pagkalulong nito sa alak.

Naging labas-masok ito sa rehab center hanggang nagtayo ng barber shop dahil sa pag-aakalang wala na itong babalikan sa showbiz.

Ngayong maayos ang kanyang kundisyon, guest star si Baron sa top-rating series na “Ang Probinsyano.”

TAGS: alcoholic, Ang Probinsyano, Baron Geisler, drug addict, engaged, fiance, Girlfriend, guest star, Jaimie Marie Evangelista, pagod na sa laro, pakakasalan na, psychologist, rehabilitation centers, alcoholic, Ang Probinsyano, Baron Geisler, drug addict, engaged, fiance, Girlfriend, guest star, Jaimie Marie Evangelista, pagod na sa laro, pakakasalan na, psychologist, rehabilitation centers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.