Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na
Epektibo na ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
May dagdag na P0.75 sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.80 sa halaga ng kada litro ng diesel.
Tumaas din ang presyo ng kerosene o gaas sa P0.90 kada litro.
Kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, unang nagpatupad ng oil price hike ang Caltex at Eastern Petroleum.
Susunod naman ang iba pang kumpanya ng langis mamayang alas-6:00 ng umaga.
Ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Mula Enero hanggang Abril 29, umabot na sa P10.29 kada litro ang nadagdag sa presyo ng gasolina, P7.64 kada litro sa diesel at P5.17 sa kada litro ng gaas.
Samantala, iaanunsyo naman ngayong araw ng mga kumpanya ang dagdag-presyo sa kanilang liquified petroleum gas (LPG).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.