Daang libong manggagawa, makikiisa sa protesta sa Labor Day
Hindi bababa sa isang daang libong manggagawa mula sa iba’t ibang labor groups ang inaasahang makikiisa sa malawakang kilos-protesta sa Labor Day o Araw ng Paggawa sa Mayo a uno.
Sa press briefing sa Quezon City, sinabi ni Kilusang Mayo Uno (KMU) chair Elmer Labog na maliban sa Metro Manila, magkakaroon din ng mobilization ang malalaking lungsod sa iba’t ibang rehiyon.
Inaasahan aniya ang aktibidad sa Baguio City, ilang lungsod sa Bicol Region, Cebu at Davao City.
Sa kanilang hanay pa lang aniya, nasa tatlumpung libong katao na ang kasapi sa Metro Manila.
Magkakaroon aniya ng mga programa sa Metro Manila sa bahagi ng Mendiola Peace Arch sa San Miguel, Maynila at sa Liwasang Bonifacio malapit sa Manila City Hall.
Isa sa magiging panawagan aniya ng grupo ang pagtaas ng minimum wage at pagtutol sa kontraktuwalisasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.