Binatilyo nakuhanan ng P300K na halaga ng shabu sa Cebu City

Credit: Benjie Talisic, CDND

Arestado ang isang 17 anyos na lalaki matapos itong makuhanan ng mahigit P300,000 na halaga ng shabu sa buy bust operation sa F. Villa Street, Barangay T. Padilla, Cebu City Lunes ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Glenn Gonzales, PDEG Visayas deputy chief, itinurn-over nila ang binatilyong suspek sa Operation Second Chance, isang institusyon para sa mga kabataang lumabag sa batas.

Nakuha sa suspek ang 50 grams ng shabu na tinatayang P340,000.

Ang operasyon sa hindi pinangalanang suspek ay kasunod ng shootout sa Barangay Basak San Nicolas kung saan narekober ang P1.3 million na halaga ng shabu at 2 suspek ang napatay.

Read more...