Kamara nagsagawa ng informal survey para sa BBL

By Isa Avendaño-Umali December 08, 2015 - 04:06 PM

Batasan
Inquirer file photo

Kumpirmadong nagkaroon ng “informal survey” sa Mababang Kapulungan para sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kina Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles at Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, naganap ang survey kahapon bisperas ng luncheon meeting ng mga kongresista at Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang.

Ang tanong sa informal survey sa mga Mambabatas ay “Pabor ba kayo na ipasa ang BBL”?

Layon anila ng survey na malaman ang general sentiment ng mga Kongresista sa BBL na ang sagot ang ipaparating daw ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr kay PNoy.

Nais din daw na mabatid ang numbers game sa Kamara kung ano pa ang tsansa ng BBL.

Sinabi ni Nograles na sa mga kaalyado niya sa National Unity Party o NUP, ang kanilang Secretary-General ang nangalap ng sagot sa survey.

Ayon naman kay Alejano, sa kanilang hanay sa Partylist Coalition sa Kamara ay wala umanong sumagot sa nabanggit na survey.

Katwiran ni Alejano, masyadong sensitibo ang tanong at ang mismong usapin na BBL kaya hindi raw receptive ang mga Partylist Congressmen.

Punto pa ni Alejano, hindi pwedeng mapwersa ang mga mambabatas na ipasa agad-agad ang BBL base lang sa dikta ng Malacanang.

Wala namang ideya sina Nograles at Alejano kung ano na ang naging resulta ng BBL survey.

 

TAGS: BBL, Congress, Lejano, Nograles, BBL, Congress, Lejano, Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.