Phivolcs: M6.1 na lindol sa Central Luzon dahil sa hidden fault

Ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon noong April 22 ay dahil sa paggalaw ng tinatawag na “hidden fault.”

Ayon sa Phivolcs, ang malakas na lindol na matinding tumama sa Pampanga, Zambales at Bataan at naramdaman hanggang Metro Manila ay sanhi ng hidden fault na hindi pa na-plot dati.

Ang hidden fault ay ang mga hindi na-detect na fault dahil ang kanilang paggalaw ay hindi nagrehistro sa ibabaw ng lupa.

Paliwanag ng Phivolcs, nalalaman nila ang haba ng fault at natatantya kung gaano kalakas ang pagyanig at ang pwedeng i-generate nito.

Sa kaso ng hidden fault, alam ng ahensya kung nasaan ito sa ilalim pero mahirap na i-project ang lindol sa ground dahil kailangan ng detalyadong pag-aaral.

Dagdag ng Phivolcs, nakatago man o hindi ang fault, dapat ay pareho ng pahahanda ng mga tao sa malakas na lindol.

Sa record ng ahensya, nasa average na 20 lindol ang naitatala kada araw.

Read more...