Muling niyanig ang Surigao del Norte Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4 na aftershock sa 64 kilometers southeast ng General Luna alas 9:37 ng gabi.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na siyam na kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala bunsod ng panibagong pagyanig sa lugar.
Ito ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa General Luna, Surigao del Norte noong Biyernes April 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.