Mga-taga Bicol, kinuwestyon sa SC ang provincial bus ban ng MMDA

By Erwin Aguilon April 29, 2019 - 08:49 PM

Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang Ako Bicol Partylist upang kuwestyunin ang legalidad ng provincial bus ban ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa EDSA.

Pinangunahan ni Rep. Alfredo Garbin Jr. ang paghahain ng petisyon para ipahinto ng korte ang provincial bus ban pati na ang pagkansela sa kanilang terminal permits kasunod ng reklamo mula sa drivers, operators at commuters.

Ayon kay Garbin, inihain nila ang petition for certiorari, prohibition ang mandamus para kuwestyunin ang legalidad ng bus ban na sinasabing makapagbibigay ng solusyon sa trapiko sa EDSA.

Bukod dito, humingi rin ang grupo ng Writ of Premilinary Injunction at Temporary Restraining Order para ipahinto ang pagpapatupad nito.

Hindi aniya dumaan sa public consultation ang panukala kaya nilabag ng MMDA ang due process o karapatan ng mamamayan na malaman ang isang isyung direktang nakakaapekto sa kanila bago ipatupad.

Wala rin anyang basehan ang ahensya patungkol sa magandang idudulot ng ban sa traffic congestion dahil batay sa datos noong 2017 ay 3,300 lamang ang rehistradong bus mula sa probinsya na dumadaan sa EDSA araw-araw habang 12,000 ang city buses at 200,000 ang private vehicles.

Dagdag pa ng kongresista, mas malaki ang magagastos at hahaba ang travel time ng riding public sa proposal ng MMDA kung saan magseset-up na ng grand terminal sa Valenzuela para sa mga manggagaling ng norte at sa Santa Rosa, Laguna naman para sa Southern Luzon.

TAGS: Ako Bicol Partylist, edsa, korte suprema, mmda, Provincial bus ban, Ako Bicol Partylist, edsa, korte suprema, mmda, Provincial bus ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.