P5.3M halaga ng hinihinalang cocaine, natagpuan sa Dinagat Islands
Natagpuan ang nasa P5.3 milyong halaga ng hinihinalang cocaine sa karagatang sakop ng Libjo, Dinagat Islands.
Ayon sa Caraga police, ang mangingisdang si Felix Miasco ang nakakita ng selyadong bag na may lamang isang bloke ng hinihinalang cocaine bandang 7:00, Linggo ng gabi.
Agad umano nitong dinala ang kontrabando sa kapitan ng Barangay Quezon.
Nagpatawag ng opisyal ang kapitan mula sa Libjo Municipal Police Station para kunin ang kontrabando.
Sinabi ng pulisya na inilipat sa dalawang plastic bag ang kontrabando dahil sira-sira na ang orihinal na package nito.
Susuriin naman ng mga otoridad ang kontrabando para makumpirma kung cocaine nga ito.
Simula pa Pebrero ngayong taon, ilang insidente na ang naganap kung saan nakitang palutang-lutang ang mga bloke ng cocaine sa karagatang-sakop ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.