Palasyo, dumistansya sa away sa Manila Times dahil sa ‘Oust Duterte’ matrix

By Chona Yu April 29, 2019 - 08:44 PM

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na pakialaman ang internal na problema ng Manila Times matapos magbitiw sa puwesto si Managing Editor Felipe Salvosa dahil sa inilabas na matrix na oust Duterte plot.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hahayaan na lamang ng Palasyo ang pamunuan ng Manila Times na resolbahin ang sarili nilang problema.

Nagbitiw si Salvosa sa puwesto dahil sa pagtutol ng istorya na isinulat ni Manila Times publisher Dante ang ukol sa oust Duterte plot matrix.

Nanindigan pa si Panelo na base sa kanyang pakikipag-usap kay Ang, hiniling ng pamunuan ng Manila Times na magbitiw na sa puwesto si Salvosa dahil sa pag-post sa kanyang social media na kumukwestyun sa istorya na inilathala ng kanilang pahayagan.

TAGS: Felipe Salvosa, manila times, oust Duterte plot, Salvador Panelo, Felipe Salvosa, manila times, oust Duterte plot, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.