Anti-federalism statement ni Mayor Sara binalewala ng Malacañang

By Chona Yu April 29, 2019 - 05:53 PM

AFP PHOTO / – / China OUT

Kumpiyansa ang Malacañang na walang epekto sa pagsusulong ng pederalismo ang pagtutol ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na baguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno na presidential -unitary.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang konsensya ng framer ng Saligang Batas at ang taong bayan pa rin ang huling huhusga sa pederalismo.

Hindi aniya si Mayor Sara o si Pangulong Duterte mismo ang maghuhusga sa kapalaran sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Panelo na iginagalang ng palasyo ang pahayag ni Mayor Sara na ang mga warlord lamang sa Mindanao region ang mabibigyan ng kapangyarihan sa pederalismo.

May kanya-kanya aniyang opinyon ang bawat isa.

Hindi naman direktang sinagot ni Panelo ang tanong kung makaapekto ang pahayag ni Mayor Sara para makumbinsi ang mga kaalyado sa kongreso ukol sa usapin sa pederalismo.

TAGS: federalism, Malacañang, panelo, Sara Duterte, federalism, Malacañang, panelo, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.