Paratang na mga sasamang NPA sa kanilang rally luma na ayon sa KMU

Inquirer file photo

Kinontra ng grupong Kilusang Mayo Uno ang pahayag ng PNP at AFP na mahahaluan ng mga miyembro ng CPP-NPA ang mga mga grupong magsasagwa ng kilos protesta at mangugulo sa Labor Day.

Ayon kay Elmer Labog KMU chairperson, lumang istilo na ito para takutin ang mga manggagawa at iba upang hindi na lumahok sa protesta sa Mayo Uno.

Hindi na aniya bababa pa ang mga ito mula sa bundok para palakihin ang mobilsasyon dahil sapat ang kanilang pwersa para sa gagawin kilos protesta.

Sa halip aniya na manakot dapat harapin ang mga problema ng mga manggagawa na wakasasan na ang kontraktuwalisasyon at itaas ang sahod.

Tiniyak ng KMU na magiging organisado at disiplinado ang magiging protesta nila sa Labor Day.

Hiniling naman ng mga ito sa pulisya na hayaan silang magmartsa at magpahayag ng kanilang mga hinanakit sa administrisasyon.

Read more...