Bigtime na pusher sa Batangas napatay ng PNP

Patay ang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Laurel, Batangas Lunes ng umaga.

Sa inilabas na ulat, sinabi ni Col. Edwin Quilates, hepe ng Batangas Police Office, isinagawa ng mga tauhan ng Laurel Police Station at Highway Patrol Group ang buy-bust operation sa Barangay Balakilong dakong alas tres ng madaling-araw.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Regieh Endozo Landicho, trenta y nuwebe anyos.

Ayon sa pulisya, nang matunugang pulis ang katransaksyon, agad bumunot ang suspek ng kaniyang Calibre 38 na baril at nagpaputok laban sa mga pulis.

Agad gumanti ng putok ng baril ang mga otoridad na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Nakuha kay Landicho ang dalawampu’t limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P87,500.

Noong January 2015, naaresto si Landicho dahil sa illegal drug pushing at nakalaya noong November 2018.

Read more...