15 nasugatan sa aksidente sa Cavite

Aabot sa 15 katao ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan na naganap sa bayan ng Carmona sa lalawigan ng Cavite.

Nasa pitong sasakyan ang sangkot sa karambola.

Ayon kay Carmona police chief Maj. Rommel Carcellar, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, isang 6-wheeler na truck ang umararo sa iba pang mga sasakyan.

Posible umanong nawalan ng preno ang truck kaya binangga ang iba pang sasakyan.

Nangyari ang aksidente sa checkpoint at sa tapat ng police community precinct sa Carmona.

Isang police mobile pa ng Carmona police ang nadamay sa aksidente.

Dinala sa mga pagamutan ang mga nasugatan.

Read more...