Embahada ng Canada sa Pilipinas kinalampag ng EcoWaste Coalition
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupong EcoWaste Coalition sa embahada ng Canada para kondenahin ang pagtatambak ng basura sa bansa.
Bitbit ang mga placard, isinigaw ng grupo na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Canada na pagtapunan ng basura ang Pilipinas.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, mismong ang pangulo na ang nagpahayag na dapat kunin sa lalong madaling panahon ng Canada ang mga basura.
Sinabi ni Lucero na sumasalalim ang pahayag ng pangulo sa pagiging urgent at pagiging seryoso ng usapin.
Ilang beses nang nagbanta ang pangulo na gigiyerahin o di kaya ay ipatatapon pabalik ng Canada ang mga container na naglalaman ng mga basura.
Sa panig naman ng embahada ng Canada tiniyak nitong nakikipag-ugnayan na sila sa kaukulang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang usapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.