Halaga ng ipatutupad na oil price increase inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanyang Shell at Seaoil, may dagdag silang 75 centavos sa kada litro ng gasolina, 80 centavos sa kada litro ng diesel at 90 centavos naman sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag presyo bukas, April 30, alas 6:00 ng umaga.

Ang kumpanyang Petro Gazz at PTT Philippines ay nag-abiso na rin ng parehong halaga ng dagdag presyo sa kanilang gasolina at diesel na epektibo din bukas ng umaga.

Parehong halaga din ng price adjustment ang ipatutupad bukas ng iba pang mga kumpanya ng langis.

Read more...