Klase sa Emilio Aguinaldo College sa Maynila, balik na sa normal ngayong araw

Radyo Inquirer Photo / Jong Manlapaz
Itinuloy ang klase sa Emilio Aguinaldo College sa Paco Manila ngayong Lunes, April 29.

Ito’y makaraang maapektuhan ang gusali ng paaralan na naganap na magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa Luzon noong Lunes, April 22.

Hindi pinagamit ang isang gusali sa loob ng paaralan dahil sa ginagawang inspeksyon sa istraktura.

Sa Facebook page ng EAC, inilabas ang room assignment ng mga estudyante sa kursong business education, engineering technology, medicine, criminology, pharmacy, at medical technology.

Ang klase at opisina sa Building 7 ng paaralan ay pansamantalang inilipat sa Building 5 at 6.

Dalawang grupo ng structural consultants ang sumusuri sa gusali ng EAC makaraang umanong tila tumagilid at dumikit ito sa kalapit na gusali matapos ang malakas na lindol noong nakaraang linggo.

Read more...