10,000 Pinoy na ang bumoto sa Singapore
Bumoto na ang nasa 10,000 mga Filipino sa Singapore para sa overseas absentee voting.
Sa datos ng Commission on Elections (Comelec) mayroong 80,000 na registered voters sa Singapore.
Nagpapatuloy pa ang overseas absentee vorting at ang lahat ng mga Filipino na rehistradong botante at nasa ibang mga bansa ay maaring bumoto.
Ayon naman sa embahada ng Pilipinas Singapore, sa Miyerkules, May 1, tuloy pa rin ang botohan kahit na regular holiday ito sa Pilipinas.
Nagsimula ang overseas absentee voting noong April 13 at magtatapos sa May 13 na araw mismo ng botohan dito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.