Duterte, nagpakita na sa Comelec, naghain na ng kanyang COC sa pagka-presidente

Duterte, nagpakita na sa Comelec, naghain na ng kanyang COC sa pagka-presidente

Personal na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC) national office sa Intramuros, Manila ngayong araw ng Martes si Davao City Mayor Rodrigo Duterte para pormal na maisulong ang kanyang pagiging kandidato sa 2016 Presidential Elections.

Ito ay alinsunod na rin sa Comelec Resolution No. 9984, na kinakailangan na panumpaan sa harap ng notary public ang kanyang COC.

Sinamahan nina Vice presidential aspirant Senator Alan Peter Cayetano, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) President at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III si Duterte sa paghahain ng COC sa Comelec.

Si Duterte ay nakapaghain ng COC dalawang araw bago matapos ang deadline ng Comelec sa December 10 para sa paghahain ng COC ng mga substitue candidates. Ang alkalde ang siyang papalit na maging pambato ng PDP matapos na umatras si former PDP-Laban standard-bearer Martin Diño nung buwan ng Oktobre.

Batay sa Resolution ng PDP-Laban noong October 27, 2015, sinusulong nila na si Duterte ang maging substitute Presidential candidate, at sa dakong huli personal siyang inindorso ng partido PDP-Laban bilang presidetial candidate nitong nakalipas na Nov. 30.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9984, ang isang official candidate sa pagkapangulo na nagwithdraw ng kanyang COC ay mapapalitan laman ng isang kandidato kung ito ay kabilang at nominado ng partido o coaliton na kanyang kinaaniban.

Sakabila nito hindi pa rin nagdedesiyon ang Comelec kung papayagan nilang maging substitute si Duterte, na inaasahang magdedesisyon sa disqualification case laban kay Diño na sinampa ng isang broadcaster na si Ruben Castor dahil sa pagkakamali nito sa kanyang COC na tinakda naman ang pagdinig sa December 16.

Sinulong ni Duterte ang kanyang hangarin na maging pangulo ng bansa dahil umano sa pressure mula sa kanyang mga tagasuporta at matapos na magdesisyon ang Senate Electoral Tribunal na pumapabor kay Sen. Grace Poe at pagbasura sa petisyon na pinatatanggal siya bilang Senador dahil sa alegasyon na hindi ito tunay na Pilipino.

Ayon kay Duterte “Philippines cannot have an “American president.”

Nauna ng naghain ng COC si Duterter nung Nov. 28 sa pamamagitan ng kanyang representative na si Lawyer Salvador Medialdia, pero bago siya magkapaghain inuna muna niyang iurong ang kanyang COC na tumatakbo bilang Mayor ng Davao City nung October 15.

Read more...