8 lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng heat index kahapon, Apr. 28
Walong lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index kahpon, April 28.
Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index kahapon na 45.9 degrees Celsius dakong alas 2:00 ng hapon.
Ang iba pang mga lugar na nagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod:
• Cotabato City, Maguindanao – 44.9 degrees Celsius
• Cuyo, Palawan – 43.1 degrees Celsius
• Daet, Camarines Norte – 42.3 degrees Celsius
• NAIA Pasay City – 42.5 degrees Celsius
• San Jose City, Occidental Mindoro – 41.8 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 42.6 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 41.4 degrees Celsius
Samantala, ang Port Area sa Maynila ay nakapagtala ng heat index na 37.2 degrees Celsius kahapon, habang ang Science Garden sa Quezon City ay 36.5 degrees Celsius ang heat index.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.