Mar Roxas, hindi raw kailangan na manguna sa Presidential surveys!

By Isa Avendaño-Umali December 08, 2015 - 12:28 PM

mar-roxas-meet-inquirerHindi kailangan na manguna ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa mga Presidential surveys, dahil ang kailangan ay manguna siya sa May 9, 2016 Elections.

Ito ang iginiit ng Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga, kasunod ng pagiging kulelat na naman ni Roxas sa latest

survey ng Social Weather Stations o SWS, kung saan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nag-number-1.

Ayon kay Barzaga, ang dapat tingnan ay ang mismong araw ng halalan at magiging resulta nito.

Hindi man ngayon manguna si Roxas, sinabi ni Barzaga na may posibilidad na umangat siya sa eleksyon.

Tingin naman ni Barzaga, kailangang i-emphasize ni Roxas ang kanyang mga programa, lalo na ang mga programa ni Pangulong Noynoy Aquino na gusto niyang ipagpatuloy.

Aminado si Barzaga na may “good at bad” na mga programa ang Aquino administration, pero hindi aniya matatawaran ang graft and corruption campaign ng gobyerno.

Patunay aniya rito ang mga Senador at Kongresista na nakulong, Governors, Mayors at maging mga opisyal ng PNP na nasuspinde at na-terminate.

TAGS: Mar Roxas, SWSsurvey, Mar Roxas, SWSsurvey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.