Bago ang Labor Day, P710 na daily minimum wage para sa mga manggagawa sa Metro Manila ihihirit ng labor group
Maghahain ng petisyon ang grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para ihirit ang P710 na daily minimum wage sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Nakatakdang isumite ngayong umaga ng TUCP ang petisyon sa Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR sa Maynila.
Sa ngayon ay nasa P500 hanggang P537 ang minimum wage rate sa NCR matapos ang P25 na dagdag sahod nuong Nov. 22, 2018.
Sa ilalim ng batas, mayroong isang taong moratorium sa paghahain ng panibagong petisyon para sa wage increase maliban na lamang kung mayroong supervening condition.
Pero ayon sa TUCP, ang kasalukuyang P537 na sweldo para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila ay hindi sapat lalo na at nagtataasan ang presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa mataas na buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.