Bata, patay; lola, sugatan matapos mabaril ng pulis sa Caloocan

By Rhommel Balasbas April 29, 2019 - 03:06 AM

Nasawi ang isang anim na taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang kanyang 65 anyos na lola matapos umano’y aksidenteng mabaril ng isang pulis sa Camarin, Caloocan, Linggo ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Gian Habal at Elsa Francisco Montañez.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Caloocan Police, mayroon umanong suspek na hinabol si Corporal Rocky Delos Reyes at nauwi ito sa palitan ng putok.

Ang anim na taong gulang na bata na naglalaro lamang sa labas ng bahay ay natamaan ng putok ng baril sa kanyang ulo.

Agad na lumabas ang lolo at lola ni Habal at hinabol si Delos Reyes na nagpaputok ulit ng baril kung saan natamaan sa paa ang lola.

Nagpahayag naman ng kahandaang sumuko sa pulisya ang suspek na pulis.

Sigaw ngayon ng lolo at asawa ng mga biktima na si Arsenio Montañez ang hustiya para sa kanyang apo at sugatang maybahay.

TAGS: Accidental Firing, caloocan city, Accidental Firing, caloocan city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.