Pangulong Duterte pinangunahan ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa UP Mindanao Sports Complex sa Davao City araw ng Linggo.
Sa kanyang talumpati, iginiit ng pangulo na dapat ay himukin ng mga magulang ang kanilang mga anak na lumahok sa sports.
“I encourage parents to support their children to engage in sports and inspire them to always do their best in balancing sports and academics,” ayon sa pangulo.
Sinabi ng pangulo na mahalaga ang papel ng sports para sa paghubog ng pagkatao ng kabataan at nailalayo nito ang mga kabataan sa iligal na droga.
“Sports is truly an effective avenue to instill among the youth essential characteristics. Sports plays an important role in encouraging the youth to live a healthy lifestyle and keep away from illegal drugs,”giit ng pangulo.
Ito ang ikatlong sunod na taon na pormal na binuksan ni Duterte ang Palarong Pambansa at wala pa itong napalalampas na opening program bilang presidente.
Kasama ng pangulo sa pagpapasinaya sa Palarong Pambansa sina Department of Education Secretary Leonor Briones at Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez.
Hindi naman nakadalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa seremonya dahil kasalukuyan itong nasa Camiguin.
Nasa 18,000 galing sa 17 rehiyon ang dumalo sa opening ceremonies ng Palarong Pambansa.
Ito ang ikalawang beses na naghost ang Davao City para sa Palarong Pambansa simula 1950.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.