Duterte nagbantang itatapon ang mga basura ng Canada sa kanilang mga dagat
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na itatapon sa magagandang beaches ng Canada ang mga basurang itinapon nito sa Pilipinas.
Sa talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City, sinabi ng pangulo na gagawin niya ito sakaling hindi tanggapin ng Canada ang kanilang mga basura.
Iginiit ni Duterte na hindi basurahan ang Pilipinas at hindi basurero ang mga Filipino.
“Sabihin ko sa—sabihin mo sa kanila i-karga ko ‘yan next week. ‘Pag hindi niyo tinanggap ‘yang basura ninyo, ibubuhos ko ‘yan doon sa magandang beach ninyo. T*** i***… Do not… We are not a garbage dump here,” ayon sa pangulo.
“The Filipinos are not scavengers. And you do that to us as I—as I am wont to do, ganun ako, nagbababoy talaga ng tao,” dagdag ni Duterte.
Magugunitang noong Martes ay sinita ng presidente ang Canada at binantaan ito ng giyera sakaling mabigong kunin ang mga basurang ipinadala sa Pilipinas.
Nagpahayag na ng kahandaan ang Canada na kunin na ang kanilang trash shipments at nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga awtoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.