DILG maglalabas ng listahan ng mga hindi naglilinis na baranggay

Posibleng maharap sa parusa ang mga baranggay na hindi naglilinis ng kanilang nasasakupan ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Babala ng DILG, maglalabas sila sa Mayo ng listahan ng mga maruruming baranggay na hindi marunong maglinis ng kanilang mga lugar.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing, sinumang hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ay mahaharap sa mga administrative sanctions.

Iginiit ng ahensya na kailangan ang lingguhang cleanup drive sa mga baranggay sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at CALABARZON bilang bahagi ng rehabilitasyon sa Manila Bay.

Noong Sabado lamang ay nakakuha ng 500 sako ng basura mula sa Ilog Pasig ang River Warriors ng Pasig River Rehabilitation Commission.

Read more...