Taas-presyo sa LPG at produktong petrolyo nakaamba ngayong linggo
Sasalubong sa mga motorista ngayong katapusan ng buwan at sa unang araw ng Mayo ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo at cooking gas.
Ayon sa oil industry sources, ang presyo ng diesel at gasolina ay tataas ng P0.70 hanggang P0.80 kada litro.
Ang kerosene o gaas naman ay nakatakdang tumaas ng P0.75 hanggang P0.85 kada litro.
Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.
Samantala, simula Mayo 1, tataas ng P0.50 hanggang P1.00 ang kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG).
Inaasahang iaanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ngayong araw ang eksaktong taas-presyo sa mga produktong langis at LPG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.