Ito ay bunsod ng mahahabang oras ng trabaho sa pagbibilang ng mga boto.
Ayon kay General Elections Commission (KPU) spokesperson Arief Priyo Susanto, umabot sa 1,878 election workers ang nagkasakit sa nagdaang April 17 elections.
Pitong milyong katao ang tumutulong sa pagbibilang at pagbabantay sa mga boto.
Kinakailangan ng mga itong magtrabaho kahit gabi sa kabila ng mainit na panahon.
Ang April 17 elections ay ang kauna-unahang halalan kung saan sabay na bumoto ang mga mamamayan para sa presidential at regional parliamentary ballots para makatipid ng pondo.
Ang naitalang turnout ay 80% o 193 milyon.
Samantala, nakatakdang mabigay ang election commission ng Indonesia ng tulong sa bawat pamilyang namatayan katumbas ng isang taong sahod na minimum wage.