Higit 270 election workers namatay sa Indonesia
Nasawi ang mahigit 270 election workers sa Indonesia dahil sa fatigue-related illnesses o mga sakit dahil sa sobrang pagod.
Ito ay bunsod ng mahahabang oras ng trabaho sa pagbibilang ng mga boto.
Ayon kay General Elections Commission (KPU) spokesperson Arief Priyo Susanto, umabot sa 1,878 election workers ang nagkasakit sa nagdaang April 17 elections.
Pitong milyong katao ang tumutulong sa pagbibilang at pagbabantay sa mga boto.
Kinakailangan ng mga itong magtrabaho kahit gabi sa kabila ng mainit na panahon.
Ang April 17 elections ay ang kauna-unahang halalan kung saan sabay na bumoto ang mga mamamayan para sa presidential at regional parliamentary ballots para makatipid ng pondo.
Ang naitalang turnout ay 80% o 193 milyon.
Samantala, nakatakdang mabigay ang election commission ng Indonesia ng tulong sa bawat pamilyang namatayan katumbas ng isang taong sahod na minimum wage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.