Magnolia wagi kontra Rain or Shine; makahaharap muli ang SMB sa finals
Wagi ang Magnolia Hotshots kontra Rain or Shine sa iskor na 63-60, overtime, sa kanilang huling laro sa semis ng 2019 PBA Philippine Cup araw ng Linggo sa MOA Arena.
Aabante na ngayon ang Hotshots sa kanilang ikalawang sunod na PBA finals at muling makahaharap ang defending champs na San Miguel para sa tropeo.
Bagaman huli ng 17 puntos sa second half, nagpasiklab paunti-unti ang Hotshots at napanatili ang kanilang kumpyansa.
Ayon kay Coach Chito Victolero, matatag ang loob ng kaniyang mga manlalaro at hindi sumuko.
“We just found ways to win. We were down by 17 and I don’t know how we were able to come back. My players were just resilient. They did not want to give up,” ani Victolero.
Nanguna para sa Magnolia sina Ian Sangalang na may 11 puntos at 15 rebounds at Rafi Reavis na may walong puntos at 20 rebounds.
Sina James Yap na may 14 puntos at Gabe Norwood na may 11 puntos at pitong rebounds naman ang sinandalan ng Elasto Painters.
Ang Game 1 ng PBA finals ay sa Miyerkules, alas-7:00 ng gabi at ang buong serye ay magaganap sa Araneta Coliseum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.