4 na sasakyan, nagkabanggaan sa NLEX

By Angellic Jordan April 28, 2019 - 03:25 PM

Inquirer Northern Luzon

Nagkarambola ang apat na sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), Linggo ng umaga.

Ayon kay Michael Mallari, traffic control specialist ng NLEX, nagangap ang aksidente ng isang military trck, sedan, coaster at sports utility vehicle o SUV sa overtaking lane dakong 9:48 ng umaga.

Binabagtas ng apat na sasakyan ang northbound lane ng Balagtas, Bulacan nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman aniya nagdulot ng bigat sa trapiko ang aksidente dahil nasa iisang lane lamang naganap ito.

Nakaligtas naman ang mga drayber at pasahero ng apat na sasakyan.

Lagpas 10:00 ng umaga nang maialis sa pinangyarihan ng aksidente ang mga sasakyan.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng aksidente.

TAGS: karambola, NLEX, karambola, NLEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.