Ginagawang gusali sa BGC, Taguig nasunog

Nasunog ang isang ginagawang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 10:00 ng umaga sa bahagi ng 5th Avenue corner 30th Street sa BGC.

Itinaas ang sunog sa unang alarma.

Matapos ang halos isang oras, idineklara nang fire under control ang sunog bandang 11:00 ng umaga.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa sunog.

Read more...