3 Pinoy na mangingisda, nailigtas ng Taiwanese vessel sa Batanes
Nailigtas ang tatlong Filipinong mangingisda ng mga tauhan ng isang Taiwanese fishing vessel sa karagatang sakop ng Batanes.
Ayon sa Philippine Coast Guard – Northern Luzon, iniulat ni Arthur Yang mula sa Taipei Economic and Cultural Office ang pagkakasagip ng Taiwanese fishing vessel na Xhin Zhenfeng No. 3 kina Redento Fronda, 39-anyos; Jovani Tablisima, 24-anyos; at Roland Duerme, 18-anyos.
Apat na araw nang hindi nakakaabante ang tatlo makaraang masira sa gitna ng dagat.
Mula Babuyan Islands sa Batanes, manghuhuli sana ang tatlo ng mga isda sa Calayan Island nang biglang magkaproblema ang makina ng kanilang bangka.
Isinakay ang tatlo sa Taiwanese vessel at dinala sa isla ng Itbayat kasama ang kanilang bangka.
Nakipag-ugnayan naman ang Multi-Role Response Vessel 4402 o BRP Malabrigo ng PCG sa Xhin Zhenfeng para mailigtas ang mga mangingisda.
Inilipat ang mga mangingisda sa BRP Malabrigo at kanilang bangka sa Basco, Batanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.