Duterte, pangungunahan ang pagbubukas ng Palarong Pambansa

By Chona Yu April 28, 2019 - 02:46 PM

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Palarong Pambansa ngayong araw ng Linggo, April 28.

Gaganapin ang opening ceremony bandang 4:30 ng hapon sa Davao City Sports Complex, University of the Philippines – Mindanao Campus, Mintal Davao City.

Ang tema ng Palarong Pambansa ngayong taon ay “Shaping The Future Through Sports.”

Una rito, sinabi ni Department of Education (DepEd) Region 11 spokesperson Jenielito Atillo na ipararamdam ng mga taga-Davao na ligtas ang mga lalahok sa Palarong Pambansa.

Tinatayang aabot sa 15,000 delegado mula sa 17 rehiyon ang dadalo sa Palarong Pambansa.

TAGS: palarong pambansa, Rodrigo Duterte, palarong pambansa, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.