$12B business agreement, naiuwi ni Duterte matapos ang Belt and Road Forum
Aabot sa mahigit $12 bilyong halaga ng business agreement ang naiuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Belt and Road Forum sa Beijing, China na ginanap noong April 25 hanggang 27.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bunga ito ng 19 na business agreement na naselyuhan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Panelo, aabot sa mahigit 21,000 Filipino ang mabibigyan ng oportunidad na makapag-trabaho.
Kabilang sa mga negosyong napagkasunduan ang sektor sa enerhiya hanggang sa konstruksyon ng economic zone, green textile industry park, airport extention, tourism facility at iba pa.
Napagkasunduan din ng dalawang bansa ang pagbibigay ng training sa mga Filipino domestic helpers na nasa China, pagsusuplay ng agricultural products gaya ng Pinya, Buko at iba pa.
Ayon kay Panelo, layunin ng pangulo na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.
Apat na beses nang nagtutungo si Pangulong Duterte sa China mula nang maupo sa Malakanyang noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.