Bilang ng mga inilikas na Pinoy sa Libya, umabot na sa 32
Umakyat na sa 32 na overseas Filipino workers (OFWs) ang inilikas sa Tripoli, Libya ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay bunsod ng patuloy na tumitinding kaguluhan sa lugar.
Sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na inilipat sa Misrata ang mga OFW na nagtatrabaho sa isang carpet factory sa Tripoli.
Samantala, 19 sa naturang bilang ay nakauwi na ng Pilipinas.
Matatandaang sinabi ni Cato na patuloy pa rin ang pangungumbinsi ng Embahada ng Pilipinas sa mahigit-kumulang 1,000 Pinoy sa Tripoli na umuwi na ng Pilipinas.
Dalawang Pinoy naman ang nagtamo ng minor injuries dahil sa kaguluhan sa naturang North African country.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.